Wednesday, November 9, 2011

Ako at ang teatro...


Ano nga ba ang nagustuhan ko sa teatro at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako?  Bata pa ako ay sinasabi ko na sa sarili ko na “gusto kong maging isang artista!”  Ano ba talaga ang nakakahikayat sa akin upang manatili sa daigdig ng tanghalan?

Una sa lahat, gusto ko ang “idea” na ikaw ay magta-transform sa isang katauhang ibang-iba sa iyong katauhan at tumitingin sa buhay na may kakaibang pananaw.

Gusto ko rin ang “idea” na ang mga tao – ang mga manonood – ay uupo sa loob ng isang silid at sa loob ng ilang oras ay makikinig, makikiisa, makikilahok, makikiiyak, at makikitawa sa mga tauhan na nagpapatakbo ng istorya sa dula.

Gusto ko ang kaisipang lahat ng tao sa loob ng silid na yon ay nagsasama-sama na ko at binabalewala ang kani-kanyang katayuan sa buhay, paniniwala, relihiyon, gender at pagkatao.  Sa panahong ito, tayo ay sama-samang naglalakbay sa ibat-ibang lugar at panahon.

Ginigising ng teatro ang ating pandamdam at binubuksan nito an gating imahinasyon.  An gating kakayahang mag-imagine ang nagpapalaya sa atin.  Ginagawa tayong explorer, mananaliksik, imbentor, higit sa lahat inilalabas nito an gating kakanyahan (uniqueness) at natatagong katangian o talent.

Ang teatro ay tumutulong para iangat ang kalidad ng buhay ng mga tao.  Ito ay nagsisilbing lunas sa mga kasawian at sakit na nararamdaman ng tao at lipunan.  Teatro ang nagbubuklod sa atin – alam ko!

Ito ang naging matihiin ng CAST – sa pamamagitan ng Arte Estudyante – tayo ay malayang nakapagpapahayag.  Tayo ay nagiging instrument ng pagbabago sa ating sarili, komunidad at lipunan.

Sana sa pamamagitan ng Festibal na ito ay magkaisa tayong lahat.

Hindi tayo nagsasama-sama para bigyang pansin ang mga bagay na possible.  Tayo ay nagsasama-sama para i-challenge ang mga bagay na sa tingin ng iba ay imposible!

Tayo ang gumagawa ng disenyo n gating mundo.  Tayo ang lumilikha ng  mga posibilidad.  We teach, touch & move!  Gamitin natin ngayon ang ibat-ibang talent para makalikha ng karunungang makabuluhan sa pinakamalikhaing pamamaraan.

Wika nga ng una at ikalawang Improvisation rules, Just do it! Now na! Ngayon na!

No comments: